With no further interruptions here are some of my favorite quotes from the movie… And I'm sure everyone knows it.
Special mention to my office friend who shared the link on One More Chance Animated version :D
Basha: 10 years from now ganito pa rin kaya tayo?
Popoy: 11, 12, 13, 14, forever and ever!
Basha: Promise?
Popoy: Promise.
Popoy: Basya, bumangon ka na, MRT today baka ma-late ka na naman.
Bawal cholesterol, masama sa katawan.
Sabi ko naman sa’yo kung ‘di mo dinala yung kotse mo, ‘di ka sana napurwisyo.
Basha: Poy, kaya ko na.
Popoy: Ako na
Basha: Tigilian mo na yan, Poy kaya ko na.
Popoy: Ako na
Basha: Popoy kaya ko na, Popoy!
I don’t even know kung tama ‘tong ginagawa ko, pero alam kong kailangan ko nang tapusin ‘to.
Popoy: Basya, mahal mo pa ba ako?
Basha: Poy, I’m so sorry…
When love ends…
Popoy: 5 years, itatapon mo nang lahat?
Basha: Kailangan ko ‘to, kailangan mo rin.
Popoy: Pero ikaw ang kailangan ko…
If kaya pang ayusin, pipilitin, but if this is really what both of you need, then just be strong. Magiging mahirap at masakit, pero hopefully all the pain would be worth it.
How long should you hold on?
Popoy: 5 seconds lang promise, 5 seconds. 1, 2, 3, please, 5.
How soon should you let go?
Popoy: Bash?
Basha: Popoy, this is Mark bago kong officemate. Mark, si Popoy.
Mark: Mark pare.
Popoy: Not so nice to meet you. Ba’t ba hamit kang palitaan ako? Ha?
Mark: Pare tama na please.
Popoy: Malaki lang ang katawan mo pero hindi mo ko kayang patumbahin!
Basha: Popoy, umuwi ka na!
Popoy: Mahal na mahal kita at ang sakit sakit na.
How do you move on?
Basha: Hoy! Ano yan?
Friends:Hi Bash!
Friend: Bagong baby ni Popoy.
Popoy: Are you okay Bash? Ah, si Tricia girlfriend ko. Tricia, si Bash.
Basha: ako naman ang may gusto nito di ba? Pero, bakit ang sakit sakit?
Basha: Ang totoo, hanggang ngayon umaasa pa rin ako na sabihin mo sa akin na ako pa rin, ako na lang, ako na lang ulit.
Popoy: She loved me at my worst, you had me at my best… and you chose to break my heart…
Here are the other heart-wrenching lines :(
Trisha(Popoy's new GF): "Ipikit mo ang mga mata mo, para kung masaktan man ako.. di mo makita."
Popoy: She love me at my WORST, You had me at my BEST. at binalewala mo lang lahat yon. and you chose to BREAK my heart.
Popoy: Mahal na mahal kita, at ang sakit-sakit na
Popoy to Basha: Hindi mo alam kung gano ko kagustong sabihin sayo na.. Sana tayo nalang, tayo nalang ulit. Pero pag sa tuwing mararamdaman ko kung gano kita kamahal, hindi ko maiwasang maramdaman ulit lahat ng sakit and IM SORRY. Ako naman ang may kailangan ng panahon ngaun, para makalimutan ko na ang lahat ng sakit, para maalala ko ang lahat ng maganda at mabuti saten. Para bumalik ang popoy na nawala nung nagkahiwalay tayo
Basha to Popoy (when she was stupid girl): Sana kaya kong tiisin yung sakit na nararamdaman ko, kasi ako yung humiling nito diba? Ako ung may gusto. Sana kaya kong sabihin sayo na masaya ako para sayo, para sa inyo. Sana kaya ko, sana ako nalang.. pero hinde eh
And there you go...
0 comments:
Post a Comment